Make-up

Matagal ko nang napansin, at nasabi na rin nang ilang beses, na may espesyal akong pagtatangi sa malaking pagkakaiba ng bangkay ng tao sa kanyang itsura noong siya ay buhay pa.  Kahit batbat ng makeup, kahit anong ganda ng damit na isinusuot, halatang-halata ang pagkatuyo, ang pagkaartipisyal.  Kung totoong may diyos (sa panig ko ay naniniwala naman), masasabi kong isa ito sa mga mahusay na disenyong nagawa niya–ang pagiging malayung-malayo sa itsura ng taong buhay sa taong patay na.  Malinaw ang distinksyon,  halos sinasabi ng bangkay sa kabaong na “huy, wala na dito ang hinahanap mo, umalis na siya at talagang walang-lamang sisidlan na alng ang sinisilip mo ngayon.”

– Vlad Gonzales, Pagpag

Advertisements